2011 Bar Exam idadaos sa UST sa Maynila

PLANTSADO na ang mga paghahanda para sa 2011 Bar Examination na gaganapin sa University of Santo Tomas sa Espana, Maynila sa Nobyembre 6,2011.

Ayon kay Supreme Court Bar Confidant and Deputy Clerk of Court Atty. Ma. Cristina Layusa, puspusan na ang clearing operation ng mga tagapamahala sa bisinidad ng unibersidad lalo’t nalalapit na ang araw ng eksaminasyon sa

Aabot umano sa 6,200 law graduates mula sa iba’t ibang paaralan ang kukuha ng bar examination ngayong taon, kung saan sa kauna-unahang pagkakataon ay multiple choice questions ang magiging format ng pagsusulit.

Mananatili namang bukas sa daloy ng trapiko ang mga lansangan na malapit sa UST, upang huwag makaabala sa mga motorista.

Magbabantay naman sa paligid ng pamantasan ang mga tauhan ng Manila Police District (MPD) at ilang ahente ng National Bureau of Investigation (NBI) para matiyak ang seguridad ng mga kukuha ng bar exam at upang huwag nang maulit ang nangyari noong Setyembre 26, 2011 bar exam blast.

Una na ring ipinagbawal ng Supreme Court (SC) ang pagkakaroon ng “bar Ops” sa pagdadausan ng pagsusulit upang maiwasan ang malagim na insidente noong nakalipas na taon sa De La sale University na ikinasugat ng marami at ikinaputol ng paa ni Rizza Laurel.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply