2011 Manila Auto Salon, tuloy na tuloy na!

MULING ibinabalik ng Tradeshow International ang pinakamalaking pagtitipon ng mga customized cars sa Pilipinas—ang Manila Auto Salon Show!

Sa darating na Nobyembre 24 hanggang Nobyembre 27, ibibida ng iba’t ibang car clubs at car enthusiasts ang kanilang mga modified na mga sasakyan sa SMX Convention Center sa Mall of Asia (MOA).

Masisilayan ring muli ang mga display ng apat sa 2010 Best of Show winners, gaya ng display ng Autoline Motorsports Accessories Accessories Zentrium, FM Garage Painting, Dr. G’s Car Clinic at Car Porn Racing (Ian King).

Magtatayo ng booth ang mga kilalang nag-aayos ng customized cars at iba’t ibang establisimiyento tulad ng Atoy Customs, 199 Off Road House, Autoline Motorsports Accessories, JCB Bodyshop, Concept One, at Hart International.

Para naman sa mga mahihilig sa mga sasakyang laruan, nandiyan ang Die Cast Collectors of the Phillipines na gagawa ng miniature display ng Manila Auto Salon, gamit ang mga one-of-a-kind die-cast collections.

Hindi rin ito dapat palampasin ng mga mahihilig sa bisikleta sapagkat inanyayahan rin ng Tradeshwo Internationl ang kilalang bike enthusiast na Terry Larrazabal upang idisplay ang kanyang koleksyon.

Magsasagawa rin ng isang workshop ang Speedlab na pinamagatang “Zero to Hero” kung saan ang mga magpaparehistro ay tuturuan kung papaano mag-customize at mag-apina ng kanilang mga sasakyan.

Isa sa mga kaabang-abang na kaganapan sa Manila Auto Salon ngayong taong ito ay ang paglulunsad ng Hot Rod Philippine Club ng kultura ng “hot rodding.”

Kung nais ninyong malaman kung ano ang “hot rodding” at maging bahagi ng iba pang kasabik-sabik na magaganap sa 2011 Manila Auto Salon Show, maaari nang bumili ng tickets sa anumang SM Cinema branch.

Para sa karagdagang impormasyon, antabayanan lamang ang updates dito sa Ronda Remate o di kaya’y tumawag o mag-text sa mga numero’ng 6713122, 6718381-82 at 0917-5322648.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply