2012 budget ratipikado na ng mga kongresista

PINASALAMATAN ni House Speaker Feliciano Belmonte Jr. ang mga kapwa kongresista matapos ang mabilis na pagratipika sa 2012 General Appropriations Bill.

Sinabi ni Belmonte na ang naganap na botohan sa dalawang kapulungan ng Kongreso ay ang “earliest ever approval” sa panukalang pambansang pondo sa kasaysayan.

Aniya, makikita rin sa pagpasa sa budget ang “vote of confidence” o patuloy na pagtitiwala ng mga mambabatas sa panunungkulan ni Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III.

Noong Lunes, ay niratipikahan na ang P1.816 trilyon pambansang budget kung saan mayorya ng mga mambabatas ang bumoto pabor dito, maliban na lamang sa mga miyembro ng Minorya sa Kamara.

Bagama’t hindi copycat ng bersyon ng Malakanyang, wala namang pagbabago sa isinumiteng pondo para sa conditional cash transfer (CCT) program na nagkakahalaga ng P39 bilyon at Public Private Partnerhip Program na mayroong P22 bilyon alokasyon.

Tutol naman si House Minorty Leader Edcel Lagman dahil aniya ay sobra- sobra ang pagpondo sa CCT at PPP  na dapat sana’y ibinigay na lamang ang budget sa sektor ng edukasyon, pangkalusugan at imprastraktura.

Bago tinapos ang sesyon kahabi ay naratipikahan ang 2012 GAB matapos itong kilatisin ng bicameral conference committee.

Halos sabay ang Kamara at ang Senado sa pagraratipika sa pambansang alokasyon para sa susunod na taon.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply