21 HIV patients, naitala sa CARAGA

MAY 21 HIV patients ang naitala sa CARAGA.

Sinabi ni Butuan City Coordinator AIDS Society of the Phillippines Anthony Toralba, sa nabanggit na bilang, anim rito ay naitala sa Butuan City.

Ayon pa  kay Toralba, ang pinakamurang edad na nahawaan ng HIV ay 18-anyos matapos ang maagang pakikipagtalik kung kani-kanino lang.

Kahit pa sa kanilang pinaigting na kampanya kontra HIV, ang dating nahawaaan ng naturang sakit ay muling nakitaan ng mga sintomas.

Samantala, pinaalalahanan ng opisyal ang mga indibidwal na nagkaroon ng HIV na iwasan ang pakikipagtalik sa ibang tao dahil sa oras na malaman nilang naulit pa ito ay handa na silang isa-publiko ang pangalan ng HIV-positive patients.

Nagbigay naman ng katiyakan ang nasabing grupo na minomonitor nilang mabuti ang mga nagpositibo sa sexually transmitted disease upang patuloy na mabigyan ng gamot at mabigyan ng akmang payo.

Maraming mag-aaral sa kolehiyo at unibersidad sa lungsod ng Butuan ang sumailalim ng HIV testing alinsunod sa paghahanda sa pagdiriwang ng World AIDS Day.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply