23,368 nakapasa sa LET

UPANG mapunan ang kakulangan sa mga guro sa mga eskuwelahan partikular na sa pampaublikong paaralan ay inanunsyo na ng Professional Regulation Commission (PRC) ang pinalad na makapasa sa isinagawang Licensure Examination for Teachers (LET).

Ayon sa ginawang  anunsyo ng PRC,  umaabot  sa  bilang na 23,368  ang lahat na nakapasa sa pagsusulit .

Kabilng dito ang 10,243 examiners para sa elementary teachers habang sa  high school naman o secondary teachers ay may bilang 13,125 ang masuwerteng nakapasa.

Ang nasabing mga bilang ay mula sa  kabuuang 45,171 na kumuha ng Licensure Examination ng mga nagnanais na magturo .

Nabatid naman na anim lamang ang nakapasa sa hanay ng Accelerated Teacher Education Program (A.T.E.P).

Ang pagsusulit ay isinagawa naman noong Setyembre 25 sa 18 testing centers sa buong bansa at kahapon (Nobyembre 17) lamang inilabas ang resulta para sa mga pinalad na makapasa.

Samantala, nabanggit na rin ng kagawaran  sa pag-anunsyo ng mga nakapasa sa pagsusulit ang  1,701  na midwife sa isinagawa namang Midwife Licensure Examination. Jocelyn Tabangcura-Domenden

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply