26 solons nasa US para sa Pacquiao fight?

DALAWAMPU’T anim na kongresista ang tumulak patungong Estados Unidos matapos makapaghain ng travel authority sa House Secretary – General.

Wala namang malinaw na paalam kung ang 26 na mambabatas ay manonood ng laban ni Saranggani Rep. Manny Pacquiao sa November 13 sa Las Vegas, Nevada, USA sa ikatlong pagkakataon sa Mehikanong si Juan Manuel Marquez.

Naunang nakapaghain ng travel authority sina Reps. Joseph Emilio Abaya (Cavite), Pangalian Balindong (Lanao del Sur), Nasser Pangandaman (AA KASOSYO Partylist) at Rene Relampagos (Bohol) ngunit ang mga ito ay mula November 6 lamang hanggang November 10.

Sa may 32 mambabatas na humingi ng travel authority ay tanging si Ang Galing Pinoy Partylist Rep. Mikey Arroyo ang nagpaalam ng mula November 14 hanggang December 5, 2011 kung ito ay papayagan lamang ng Quezon City Regional Trial Court kung saan nakahain ang tax evasion case laban sa kanya at sa asawang si Angela.

Kabilang sa 26 na mambabatas na mananatili sa US hanggang sa laban ni Pacquiao ay sina Reps. Rodolfo Antonino (Nueva Ecija), Tomas Apacible (Batangas), Ma. Rachel Arenes (Pangasinan), Benjamin Asilo (Manila), Catalina Bagasina (ALE partylist), Alfredo Benitez (Negros Occidental), Marc Douglas Cagas (Davao del Sur), Aurora Cerilles (Zamboanga), Vincent Crisologo (Quezon City), Ben Evardone (Eastern Samar), Antonio Ferrer (Cavite), Florenctio Garay (Surigao del Sur), Teodorico Haresco (Kasangga Partylist), Bernadette Herrera-Dy (Bagong Henerasyon Partylist), Seth Frederick Jalosjos (Zamboanga del Norte), Carol Jayne Lopez (YACAP Partylist), Oscal Malapitan (Caloocan), Karlo Alexei Nograles (Davao City), Rosenda Ann Ocampo (Manila), Hussein Pangandaman (Lanao del Sur), Jesus Sacdalan (North Cotabato), Danilo Suarez (Quezon), Sigfrido Tinga (Taguig), Sherwin Tugna (CIBAC Partylist) Czarina Umali (Nueva Ecija) at Peter Unabia (Misamis Oriental).

Samantala, bagama’t wala sa listahan ng travel authority si Manila Rep. Amado Bagatsing ay nakapag-text ito ng “oo, andito na nga ako,” na ibig sabihin ay nasa stados Unidos ito.

Si Tugna ay nag-text din na bagama’t kinukumpirma niya na siya ay nasa California, USA upang dalawin ang kaniyang pamilya ay hindi niya pa mabatid kung makakukuha pa ng tiket patungong Las Vegas upang manood ng laban ni Pacquiao.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply