26th SEA Games: GM Gomez sinuot ang silver medal

NAGKASYA si Pinoy GM John Paul Gomez sa silver medal matapos matalo sa tie-break points kay top seeded GM Le Quang Liem ng Vietnam sa katatapos na 26th Southeast Asian Games Blindfold chess competition sa Palembang, Indonesia, ngayong umaga, (Nobyembre 16).

Parehong may tig-7.0 puntos sina Gomez, (elo 2506) at super GM Le, (elo 2714) subalit nakopo ng huli ang medalyang ginto.

Nasa ibabaw si former De La Salle ace player Gomez sa round six subalit nalaglag ito sa tuktok matapos siyang talunin ni Le sa seventh round.

Agad bumawi ng panalo ang Pinoy bet matapos nitong pisakin sa penultimate round si IM Liew Chee-Maeng-Jimmy, (elo 2303) ng Malaysia upang ilista ang six points papasok sa event na may sampung player at ipinatupad ang round robin format.

Nagsosolo sa top spot si Le na may 6.5 points matapos kaldagin si IM Lioe Dede, (elo 2375) ng host country.

Sa ninth at last round kinalgad ni Gomez si IM Tirta Chanda Purnama, (elo 2384) ng Indonesia habang nakaipaghatian ng puntos si Le kay IM Mok Tze-Meng ng Malaysia.

Nakopo naman ng isa pang Pinoy chesser Darwin Laylo ang bronze medal matapos tumabla ang laban niya kay IM Myo Naing ng Myanmar.

May total 6.5 points si Laylo, kasama sa naging biktima niya si Le sa round four.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply