27 sex worker nailigtas

NAILIGTAS ng mga awtoridad ang 27 mga hinihinalang sex worker matapos salakayin ng mga tauhan ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) ang spa at KTV bar sa Bińan, Laguna.

Sa ginawang pagsalaky, inaresto rin ng mga awtoridad ang pitong suspek kabilang ang dalawang floor managers.

Sa bisa ng warrant na inilabas ni Judge Bermelito Fernandez ng Quezon City RTC – ni-raid ng CIDG ang King John Leonardo KTV bar at Galaxy Health Spa, sa Marni Building, National Highway, Brgy. Canlalay.

Nag-ugat ang pagsalakay sa sumbong na rin ng mga residente sa lugar matapos mabatid na may mga babaeng menor de edad na tubong Visayas at Mindanao ang nasasangkot sa pagbibigay ng panandaliang-aliw sa mga nabanggit na establisimyento.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply