2nd day ng oral argument sa WLO sinimulan na

SINIMULAN kaninang alas-2:00 ng hapon ng Supreme Court (SC) ang oral argument para sa isyu ng legalidad ng watch list order (WLO) ng Department of Justice (DoJ).

Una rito, relax lamang at nakikipagbiruan pa ang abogado ni dating Pangulong Gloria Arroyo na si Atty. Ferdinand Topacio, ilang minuto bago ang pagsisimula ng legal debate.

Pero aminado si Topacio na mabusisi at masalimuot ang usaping kanilang hinaharap sa pagpapatuloy ng oral argument.

Gayunpaman, tiwala silang makukumbinsi ang mga mahistrado sa pamamagitan ng factual data at legal basis ng kanilang mga isinusulong na karapatan para kay dating Pangulong Arroyo upang ito ay makalabas ng bansa.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply