3.2-M na 25 sentimo inilaban sa Guinness

INILATAG na kanina ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) at Kabayanihan Foundation ang may 3.2 million piraso o P800,000 halaga ng  25 sentimo upang malampasan ang nakatala sa Guinness World Record na hawak ngayon ng Amerika.

Nagsimula ang proyekto ng BSP sa Quirino Grandstand na kung saan may kabuuang 3.2 million na piraso ng nasabing sentimo ang inilatag target ang 70 kilometro na haba.

Ang naturang proyekto ay bilang bahagi ng  paggunita sa bansa ng kabayanihan at kapanganakan ni AndresBonifacio.

Hinikayat naman ng pamunuan ng BSP ang publiko na makilahok sa programa na gaganapin sa Quirino Granstand at ilatag ang kanilang mga itinatagong 25 sentimos upang lalong humaba ang tinatarget na  maitala sa Guinness World Record.

Inaasahang matatapos ang paglalatag ng 25 sentimo bukas ng umaga.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply