3.2M pirasong 25 cent ilalatag para sa Guinness

ILALATAG ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP)  at Kabayanihan  Foundation  ang tinatayang P800 libong piso na 25 cents upang lagpasan ang Guinness world record na hawak ngayon ng Amerika.

Ito ay bilang bahagi na rin ng pagdiriwang ng kabayanihan ni Andres Bonifacio.

Nabatid na magsisimula ang proyekto ng BSP sa Quirino Grandstand kung saan may kabuuang 3.2 milyong piraso ng nasabing sentimo ang ilalatag sa aabot sa 70 kilometro.

Hinikayat  naman ng pamunuan ng BSP ang publiko na makilahok sa programa na gaganapin sa Quirino Granstand at ilatag ang kanilang mga itinatagong 25 sentimos  upang lalong humaba ang tinatarget na  maitala sa Guinness world record. Jocelyn Tabangcura-Domenden

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply