3-anyos ginilitan ng sariling ina

NASAWI ang isang 3-anyos makaraang gilitan ng leeg ng kanyang mismong sariling ina sa San Fabian, Pangasinan.

Base sa imbestigasyon ng mga awtoridad, mahimbing na natutulog ang biktima sa kanilang bahay sa Barangay Rabon sa nasabing bayan nang biglang gilitan sa leeg ng kanyang ina gamit ang isang itak.
Tinangka pang dalhin ng suspek ang duguang anak sa mesa at doon sana puputulan ng ulo pero nagawang itakbo ng panganay na anak nito.

Ayon sa mga kapitbahay, bago maganap ang insidente, kakaiba ang ikinikilos ng suspek at sinasabing iaalay sa demonyo ang kanyang anak.

Sinasabing ang suspek ay may diperensiya sa pag-iisip kung kaya’t nagawa nito ang karumal-dumal na krimen.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply