3 bandidong napatay sa Sulu, kinilala na

MARIING ipinahayag ngayon ng Hukbong Sandatahan ng Pilipinas na wala silang planong ihinto ang kanilang opensiba kontra mga bandidong grupo sa Mindanao.

Ang pahayag ipinarating ng military matapos kilalanin ng gobyerno ang tatlong bangkay na narekober kahapon sa Mt. Tukay, Barangay Karawan, Indanan, Sulu.

Kinilala ang dalawa sa tatlo bilang mga sub-leaders ng Abu Sayyaf na sina Ben Wagat at alyas “Apo Mike.”

Kinilala naman ang isa sa tatlo na miyembro ng grupo ng hinahabol ng militar na si “Dok Abu” na may koneksyon sa mga Malaysian terrorist na Jemiaah Islamiyah.

Ayon kay Armed Forces of the Philippines (AFP) Spokesman Lt. Col. Arnulfo Burgos, ang magandang operasyon ay dahil sa kanilang mga nakuhang impormasyon sa mga residente.

Sinabi pa ni Burgos na walang tigil ang opensiba ng militar kontra sa mga bandidong grupo upang tuluyang makubkob ang kanilang mga pinagtataguan sa masusukal na lugar sa Mindanao.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply