3 barangay official utas, P3-M payroll natangay

TATLONG opisyal ng barangay sa Caloocan City ang napaslang ng mga suspek sa lalawigan ng Bulacan at natangay ang may P3 million payroll money, sa ulat ng pulisya.

Base sa report na nakarating sa Camp Crame,  kaninang bandang ala-una ng tanghali, isang broad daylight payroll robbery ang naganap sa may Bahay Pare Meycauayan, nabanggit na lalawigan.

Sa ulat na nakalap ng mga imbestigador, sinabat ng apat na motorcycle-riding gunmen ang mga tauhan ng Barangay 176 sa Caloocan at pinagbabaril ang mga ito sa Barangay Bahay Pare, Meycauayan, Bulacan.

Kinilala ang mga biktima na sina Rodora Gumito, treasurer ng  Barangay 176; ang driver nitong Jaime Mendoza; at isang liaison officer na kinilalang si Dona Medallos.

Sinasabing nag-withdraw ng pera ang mga biktima sa isang sangay ng Land Bank of the Philippine at dumaan sa nasabing area sa Meycauayan City.

Pagdating sa barangay Bahay Pare ay hinarang na sila ng apat na suspek at agad na pinaputukan, saka tinangay ang P3.1 million  cash.

Nakuha sa pinangyarihan ng krimen ang ilang basyo ng bala mula sa caliber .45 at  9-mm pistols.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply