3 business establishment naabo sa Laguna

TINATAYANG aabot sa P4 milyon ang halaga ng mga ari-ariang naabo matapos tupukin ng apoy ang tatlong business establishment sa Barangay 7-C, San Pablo City, Laguna kaninang madaling araw.

Kabilang sa mga nasunog ang isang pharmacy, kitchenmate at tindahan ng mga surplus.

Bandang 1:00 ng madaling araw nang sumiklab ang sunog at mabilis na kumalat sa mga katabing establisimyento.

Wala namang napaulat na nasaktan o namatay sa insidente.

Ayon naman sa mga kinauukulan, faulty electrical wiring ang nakikitang dahilan ng sunog na tumagal ng may isang oras.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply