3-buwang buntis nagbigti dahil sa selos

IDINEKLARANG dead on arrival sa pagamutan ang isang tatlong-buwang buntis na nagbigti ng dahil sa selos sa lungsod ng Cagayan de Oro, ayon sa ulat ng pulisya ngayon.

Base sa report na nakarating sa Camp Crame, matinding selos ang nagtulak kay “Ellen,” residente ng Barangay 18, Cagayan de Oro City.

Ayon sa medico legal at investigation report na nakalap sa Northern Mindanao Medical Center, nagbigti umano ang biktima sa pamamagitan ng pagtali ng kumot sa kanyang leeg.

Sa pagsisiyasat ng kapulisan sa pamilya ng biktima sinasabing dinibdib ng ginang ang narinig nito sa kabilang linya ng telepono ng tawagan niya ang kanyang mister na nagtatrabaho sa Surigao.

Narinig umano nito ang paglalambing ng isang babae.

Lubha umanong dinamdam ito ng biktima na napansin nilang parang laging may iniisip na malalim hanggang sa pumasok umano ang biktima sa kanyang silid at doon isinagawa ang pagpapakamatay.

Nangingitim na ang bangkay ng biktima ng madiskubre ng kanyang mga kasama sa bahay.

Hindi naman makapaniwala ang pamilya na magagawa ng biktima na magpatiwakal.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply