3 buwang fishing ban ipatutupad sa Zamboanga del Norte

NAKATAKDANG ipatupad ng Department of Agriculture (DA) at Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) ang tatlong buwang fishing ban sa karagatan na sakop ng Zamboanga del Norte.

Ang fishing ban ay upang mabigyan ng panahon ang mga isda na dumami nang magkaroon ng sapat na supaly ng isda sa susunod na taon.

Ayon sa dalawang ahensya, ang ban ay epektibo sa darating na Disyembre 1, 2011 hanggang Marso 1, 2012.

Siniguro ni BFAR Assistant Director Benjamin Tabios, na ang tatlong buwang ban ay hindi makaaapekto sa presyo ng mga ibinibentang bottled sardines sa lalawigan.

Sinabi ng opisyal na nakatakdang ilatag ng DA ang Administrative Order hinggil sa fishing ban ngayong linggo.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply