3 dump truck nalaglag sa tulay na bumigay

TATLONG dump truck ang nalaglag ng sabay-sabay makaraang bumigay ang tulay na kanilang binabaybay kaninang umaga sa Pampanga, sa ulat ng pulisya.

Ayon kay PNP Spokesman P/Chief Supt Agrimero Cruz Jr., naganap ang freak accident bandang 10:15 ng umaga sa may Barangay Colgante, bayan ng Apalit, nabanggit na lalawigan.

Sa kabutihang-palad ay wala namang nasaktan sa pangyayari.

Nabatid na 14 tons lang ang gross tonnage na maaaring dumaan sa Colgante Bridge subalit sabay-sabay na tumawid ang apat na dump truck na may kargang graba kaya hindi ito nakayanan ng tulay.

Sa ngayon, inaalam na ng awtoridad kung ilang tons ang dala ng truck na sabay-sabay na dumaan sa naturang tulay at noon ay may kargang mga graba kung saan isa lamang sa apat ang nagawang makatawid bago tuluyang gumuho ang tulay at malaglag ang tatlong dump truck.

Iniimbestigahan na rin kung may pananagutan ang may-ari ng truck sa pangyayari.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply