3 dyip ng pirated DVDs at VCDs nasamsam ng OMB sa Roxas City

UMABOT ng 150 sako ng mga pirated na DVDs at VCDs ang nasamsam ng mga tauhan ng Optical Media Board matapos i-raid ang isang mall sa lungsod ng Roxas sa lalawigan ng Capiz.

Kinailangan pang gumamit ng tatlong dyip ang mga awtoridad para magkasya ang mga nasamsam na mga ilegal na produkto kung saan 15 stalls ang sinalakay ng raiding team. Dalawang lang dito ang nagkusang buksan ang kanilang pintuan samatalang ang 13 ay puwersahan pang binuksan ng mga kawani ng OMB.

Ayon sa Chief ng OMB Investigation and Operation Division na si Manuel Mangubat, kasama niya ang sampu niyang mga tauhan ng salakayin nila ang lugar.

Naniniwala si Mangubat na mas marami pa sana ang kanilang masasamsam na mga illegal na DVD at VCD kung hindi sana nag-leak ang kanilang gagawing raid sa naturang lugar.

Bago umalis si Mangubat sa Roxas City, nangako itong isasama niya si OMB Chairman Ronnie Rickets para saksihan ang pagsira sa mga nakumpiskang mga pirated DVDs at VCDs.

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply