3 holdaper patay sa shootout

NAPATAY sa shootout ang tatlong motorcyle riding suspek na nanloob sa isang tindahan sa Barangay Maimpis, San Fernando City, Pampanga kaninang madaling-araw.

Ayon kay Superintendent Luisito Magnaye ng Pampanga Police, pinasok ng mga suspek ang isang tindahan sa McArthur Highway na agad namang naireport sa pulisya ng isang nagdaraang motorista.

Nang naabutan ng mga rumespondeng pulis ang mga suspek ay nagkaroon ng palitan ng putok na nauwi sa pagkamatay ng mga ito.

Narekober sa mga suspek ang isang motorsiklo, kalibre .45 at .38 na mga baril at improvised shotgun.

Inaalam pa ng Scene of the Crime Operarations (SOCO) ang pagkakakilanlan ng tatlong suspek. Johnny F. Arasga

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply