3 judge sa Pacquiao-Marquez fight pumalag sa batikos

ILANG araw matapos ang laban nina Manny Pacquiao at Juan Manuel Marquez, pumalag ang tatlong hurado sa mga batikos na ipinukol sa kanila ng fans sa buong mundo.

Batay sa official CompuBox Punch Stats, 578 ang kabuuang suntok na naibato ni Pacquiao habang 436 naman ang kay Marquez.

Kumonekta si Pacman ng 176 (30%) habang ang sa Mehikano ay 138 (32%).

Ang jabs naman ng Pambansang Kamao na naitapon ay 304 kung saan 59 dito ang tumama o 19% at 182 naman ang kay Marquez na tumama ang 38 o 21%.

Ang power punches naman ni Pacman ay 274 (117 ang tumama o 43%) habang 254 dito ang kay Marquez kung saan 100 ang tumama o 39%.

Dagdag pa sa naturang stats, bawat round naman ay 14% ang nailapat ng Pambansang Kamao habang 11% ang kay Marquez.

Samantala, ayaw nang kagatin ni Michael Koncz, business adviser ng 8-division world champion, ang hamon ng marami na labanang muli si Marquez.

Ayon kay Koncz, kung papayagan ang ganitong sitwasyon ay habambuhay nang magdedebate ang mga tao.

“What for? It’ll be as close as the first three fights and they’ll be debating forever on who deserved to win,” pahayag ni Koncz.

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply