3 kawatan sa QC tiklo sa mga pulis

TATLONG hinihinalang titador ng mga car accessories ang nasakote ng pulis na kawani ng Quezon City Police District Station 11 sa Banaue, Quezon City.

Ang mga suspek ay kinilalang sina Robert de Vera, Oswald Tiolog at Ricky Reyes, pawang mga walang permanenteng tirahan.

Ayon sa mga pulis, nakuha umano nila sa tatlo ang 130 pares ng mga side mirrors at iba pang mga car accessories sa kanilang isinagawang raid.

Hinala ng pulisya, ang mga nakuha nilang car accessories ay mga ninakaw mula sa mga nakaparadang sasakyan.

Nag-ugat ang operasyon ng pulisya makaraang makatanggap sila ng complaint sa mga may-ari ng mga sasakyan na nawawala umano ang ibang parte ng kanilang sasakyan habang nakaparada ito sa naturang lugar.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply