3 pang bomba narekober sa N. Cotabato

NAREKOBER at matagumpay namang na-donate ang natagpuang tatlong improvised explosive device (IED) ng explosive ordnance division team ng Phil. Army at PNP kaninang madaling-araw, Nobyembre 9, sa North Cotabato.

Nabatid na narekober ang isa sa gilid ng basurahan sa harap ng Raymond Bakeshop habang ang isa naman ay sa harap ng Munisipyo at ang isa pa ay malapit sa public market ng Kabacan bandang alas-5:30 ng umaga na pawang mga gawa sa 81mm.

Patuloy naman ang isinasagawang imbestigasyon ng mga awtoridad upang mabatid kung sino ang nasa likod at ano ang motibo sa pagtanim sa mga bomba.

Bago ang pagrekober sa mga bomba, dalawang IED din na gawa sa bala ng 81mm mortar ang sumabog sa USM Avenue, Kabacan North Cotabato dakong alas-8:00 kagabi.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply