3 patay, 1 sugatan sa masaker sa Abra

DEAD on the spot ang tatlong kalalakihan habang isang menor de edad ang malubhang nasugatan sa nangyaring masaker sa Sitio Bayong, Barangay Quimmalaba, Dolores, Abra ng salakyin silang hindi pa nakikilalang suspek.

Base sa report na isinumite sa Camp Crame ay kinilala ang mga biktima na sina Elmer Peralta, isang barangay tanod, Christopher Baldo at Esmenio Peralta, pawang nakatira sa nasabing lugar.

Samantala ang nasugatan ay si Remegio Timbresa, isang menor de edad at nakatira rin sa nasabing lugar.

Ayon sa isinagawang pagsisiyasat ng PNP Abra, isang 12-gauge shotgun ang ginamit ng hindi pa nakilalang salarin.

Kasalukuyan pa ring inaalam ng mga imbestigador ang motibo sa likod ng nasabing karahasan. Verlin Ruiz

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply