3 patay, 6 sugatan sa road accident

PATAY sa malagim na sakuna ang tatlong katao habang anim naman ang sugatan nang mawalan ng preno ang kanilang sinasakyang pampasaherong jeep at sumalpok sa pangpang sa Butuan City kaninang umaga.

Isa pa lamang sa tatlong namatay na biktima ang may pagkakakilanlan at ito ay si Alfredo Aspirin, 13-anyos, ng Barangay Amparo.

Ang mga nasugatan naman sa iba’t ibang parte ay sina Randy Lagubay, Mauricio Udtuhan, Garry Mendez, Dennis Matulas, pahinante nitong si Arnold Maghari at ang driver na si Alvarez Lauro, residente sa bayan ng Las Nieves, Agusan del Norte.

Nakatakda namang sampahan ng kasong reckless imprudence resulting to three counts of homicide at six counts ng serious physical injury si Lauro na nakaditine na ngayon sa Butuan City Office.

Sa ulat na nakarating sa Camp Carme, naganap ang insidente dakong alas-8 ng umaga sa P-3 Barangay Amparo sa lungsod ng Butuan.

Bago ito, nabatid na nanggaling ang naturang sasakyan sa bayan ng Las Nieves at patungo sana ito sa lungsod ng Butuan.

Pababa na sana ito sa bulubunduking bahagi nang biglang mawalan ito ng preno.

Nagkataon namang kasalubong ng naturang binatilyo ang sasakyan ni Lauro kaya nasagasaan ito bago  sumalpok ang sasakyan sa pangpang.

Namatay agad ang isang matandang babae at lalaki na nakaupo malapit sa bumper ng sasakyan dahil sa pagkaipit ng katawan at matinding tinamong sugat. Robert C. Ticzon

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply