3 patay sa vehicular accident sa Butuan City

TATLO sa limang biktima ang iniulat na namatay sa naganap na vehicular accident sa Brgy. Sto. Niño, Butuan City matapos mabangga ang isang Nissan Frontier Navarra sa tindahan sa harapan ng isang bahay sa nabanggit na lugar.

Kinilala ang namatay na sina Maximo Lariba, 60, residente ng P-4, Brgy. Sto Niño, Butuan City; Samuel Robillos, 53, residente ng  Brgy. Mabini, Cabadbaran City; at Antonio Buyan, 73, na residente ng  Brgy. La Union, Cabadbaran City.

Samantalang sugatan at nananatiling nasa Butuan Doctors Hospital sa ngayon sina Teresita Lariba, 52, may-ari ng tindahan at ang anak nitong si Jimjim Lariba, 18.

Ayon kay Butuan City Police Station 4 Commander Police Senior Inspector Gaudencio Cajutol, posibleng nakatulog ang driver ng Nissan Navarra na si Manuel Cayetano dahil sa sobrang pagod. Ang sasakyan ay pagmamay-ari ng isang Francisco Sadalam.

Sinasabing galing pa sa Roxas Maynila si Cayetano na patungo na sanang Midsayap, Cotabato nang maaksidente sa Sto. Niño Butuan City galing Lipata, Surigao del Norte.

Ang driver ay nakapiit ngayon sa Butuan City Police Station 4 at sinamapahan ng kasong reckless imprudence resulting to multiple homicide at damage of property. Johnny F. Arasga

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply