3 pumatay sa PUP vice-president, upahan

LUMITAW sa pagsisiyasat ng mga tauhan ng Manila Police District (MPD) na ang tatlong nakasakay sa motorsiklo na bumaril at nakapatay sa bise president ng Polytechnic University of the Philippines (PUP) ay pawang bayarang killer.

Ito ang malinaw na report ng MPD, matapos makatanggap ng report mula sa Batangas PNP, nang mag-ulat kay P/Supt. Jimmy Tiu, hepe ng MPD-Criminal Investigation and Detention Unit (MPD-CIDU).

Nabatid sa ulat ng Batangas–Philippine National Police na ang nadakip na mga suspek ay dating miyembro ng New People’s Army (NPA) na naging hired killers.

Inaalam umano nila ang pagkakilanlan ng naarestong suspek at plano nilang iharap sa mga testigo sa pumatay kay Atty. Augusto Cezar, PUP VP for Administration.

Nauna rito, naglabas ang MPD-homicide section ng “facial composite sketch” ng dalawang suspek sa naganap na pananambang kay Cezar noong October 12 sa panulukan ng Pureza at R. Magsaysay st’s., Sta. Mesa Maynila.

Sa naganap na pananambang, isang Nina Virlynda Nurulla, 25, registered Nurse at residente ng C-13 Bldg. 28 GSIS Homes Anonas St. Sta. Mesa Maynila ang nasugatan sanhi ng tinamong tama ng shrapnel.

Inilarawan naman ni SPO1 John Charels Duran, may hawak ng kaso ang suspek na kapwa nakasuot ng helmet at iyong gunman, nakasuot ng itim na helmet, medyo may katabaan at nakaitim na jacket.

Habang ang isang suspek na nagmamaneho ng isang puting Enduro na motorsiklo, nakasuot ng kulay asul na helmet.

Matatandaan na mimananeho  ni Cesar ang kanyang sasakyan (WSD-960) nang huminto dahil sa red light signal sa nasabing lugar ay lumapit ang suspek at dalawang beses na pinaputukan sa ulo ang biktima.

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply