3 sugatan sa kotseng nahulog sa bangin

NASUGATAN ang tatlong katao nang mahulog ang sinasakyang kotse sa isang bangin sa Batasan, Quezon City kaninang madaling araw.

Batay sa ulat ng pulisya, dalawa sa mga biktima ang ginagamot ngayon sa ospital.

Wala pang pagkakakilanlan ang mga nasugatan maging ang driver ng kotse na kulay pula.

Ayon sa ulat, amoy alak ang driver ng kotse nang mangyari ang aksidente.

Nabatid na nawalan ng kontrol ang sasakyan hanggang sa ito ay sumalpok sa gutter at rumampa pababa sa bangin.

Samantala nagbabala ngayon ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na  ilan pang bus companies na patuloy pa ring ini-imbestigahan at posibleng matanggalan at masuspinde rin ang prangkisa.

Ayon kay LTFRB Spokesman Atty. Manuel Iway, bukod sa 16 na kumpanya ng bus na una nang sinuspinde ay meron pang humigit mahigit 70 bus companies ang sumasailalim sa under-investigation.

Paliwanag ni Iway, mayroon pang kabuuang 91 bus companies ang kanila pang sinisiyasat dahil sa paglahok sa strike noong isang taon.

Gayunman, hindi pa nila ito ngayon ihahayag kung ano-anong mga kumpanya.

Sinabi ni iway na posibleng sa susunod na taon pa nila ipapalabas ang bagong kautusan. Johnny F. Arasga

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply