30% ng mababawing yaman, ipondo sa Ombudsman

UPANG masolusyonan ang kakulangan ng pondo ng Ombudsman, isinulong ng isang kongresista na ilagak sa naturang tanggapan ang mga nababawing nakaw na yaman.

“The Office of the Ombudsman is partly hindered from fulfilling its crucial mandate of combating corruption to the hilt because of lack of resources,” ayon kay Aurora Rep. Juan Edgardo Angara, sa inihain  nitong  House Bill 406.

Layunin ng HB 406 na maamiyendahan ang Republic Act 1379 o ang Forfeiture Law upang mabigyan ng pondo mula sa nababawing yaman mula sa mga kinasuhan ng katiwalian ang Ombudsman.

Nakapaloob sa panukalang ito na dalhin o ibigay sa Ombudsman ang may 30 porciento ng “value of such property forfeited in a final and executory order of the court shall be earmarked as additional funding in favor of the Office of the Ombudsman.”

Kung hindi naman aniya cash o pera ang mababawi ay dapat itong isailalim sa public auction at mula sa mapagbebentahan ay ibigay sa Ombudsman ang kaukulang porsiyento.

Binanggit pa ni Angara na 30 taon ang nakararaan ay ang Hong Kong ang itinuturing na pinakatiwaling bansa sa Asya subalit ngayon ay bihira na ang kasong katulad nito sa ngayon doon.

Ang dahilan aniya ay lumutang sa pag-aaral ng World Bank ay ang pagkakatatag sa Hong Kong ng Commission Against Corruption (ICAC) noong 1974.

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply