30 toneladang tulingan lumutang sa Saranggani

UMABOT nang 30 toneladang isdang tulingan ang lumutang sa mga baybayin ng bayan ng Maasim sa lalawigan ng Saranggani.

Patuloy ang ginagawang imbestigasyon ng Saranggani Provincial Environment and Natural Resources Office kung ano ang sanhi ng pagkamatay ng mga isda at napunta sa baybayin ng Barangay Kanalu, Lumatil at Pananag sa bayan ng Maasim.

Dahil dito, nagrereklamo na ngayon ang mga residente sa tatlong barangay dahil sa masamang amoy dulot ng nabubulok na isda. Nangangamba rin ang mga ito na baka magkasakit sila dahil sa masangsang na amoy.

Nag-utos naman ang lokal na pamahalaan ng Maasim na maghukay na lamang gamit ang kanilang backhoe upang doon ilibing ang nabubulok na tulingan.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply