300 estudyante nag-rally sa tanggapan ng Ched

NAG-RALLY ngayon ang 300 estudyante ng Maynila at Quezon City sa harapan ng tanggapan ng Commission on Higher Education sa C.P. Gracia St. sa Q.C.

Ang protesta ay may kaugnayan sa pagpapasara ng Ched sa dalawang kurso ng Philippine Maritime Institute.

Nais ng mga estudyante na makipagdayalogo sa mga opisyal ng Ched.

Nagbanta pa ang mga estudyante na kung hindi sila papasukin ay sisirain nila ang gate ng naturang tanggapan.

Sinakop rin ng mga nagpoprotesta ang dalawang lane ng nabanggit na kalsada dahilan upang magkabuhul-buhol ang daloy ng trapiko.

Umabot ang trapik sa Ateneo de Manila University sa Katipunan at University of the Philippines sa Diliman Q.C.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply