300 kilong bocha nasamsam

UMABOT ng 300 kilong double dead na karne ang nakumpiska sa lungsod ng Maynila.

Ayon kay Dr. Hector Dimaculangan, hepe ng Manila City Veterinarian Office, nasamsam nila ang mga bochang karne dahil sa tip ng isang concerned citizen.

Nakita nila ang mga ito sa panulukan ng Ilaya at C.M. Recto Avenue sa naturang lungsod.

Paliwanag ni NMIS Executive Director Jane Bacayo, palagiang tumataas ang pagdadala ng mga bocha sa Kamaynilaan pagdating ng kapaskuhan dahil sa taas ng demand nito.

Pinag-iingat naman ang mga mamimili sa pagkain ng mga double dead meat dahil mapanganib ito sa kalusugan.

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply