300 residente lumikas dahil sa away sa lupa sa N. Cotabato

KORONADAL CITY – Lumikas ang mahigit 300 residente mula sa Barangay Dugong, M’lang, North Cotabato dahil sa muling pagsiklab ng awayan sa lupa ng dalwang grupo doon.

Nasa 120 pamilya ang apektado o katumbas ng 309 indibidwal ang nagsilikas matapos na muling mabuhay ang hidwaan ng grupo ng isang Gani Saligan at Isabel Manuang, kapwa mga kumander ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) dahil sa pinag-aagawang 10-ektaryang lupain sa naturang lugar.

Inaalam na ngayon kung may namatay o mga nasugatan sa nasabing bakbakan.

Gumugulong na rin ang negosasyon ng lokal na pamunuan ng bayan ng M’lang sa pangunguna ni Mayor Joselito Piñol at mga religious groups para sa kalutasan ng naturang gulo.

Nabatid na 21 taon na ang awayan sa lupa ng magkabilang panig.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply