30,000 katao apektado ng baha sa Davao provinces

UMAABOT na sa 30,000 katao ang apektado sa baha sa Davao del Norte at Davao Oriental dulot ng malakas na pag-ulan.

Ayon sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), nagsimula ang pagbaha noong Nobyembre 8 at naapektuhan ang may 6,379 pamilya o 31,895 katao mula Carmen at Braulo Dujali.

May 100 pamilya naman mula sa Dapco at San Francisco villages sa Panabo City ang nag-evacuate  sa mga simbahan at packing plants ngunit nakauwi na rin sa kanilang mga tahanan.

Naapektuhan din at nasira ang 430.73 hektarya ng agricultural production at 80 hektarya ng fisheries sa bayan ng Carmen.

Ayon pa sa NDRRMC ang kanilang disaster reduction and management councils sa Carmen at Braulo Dujali ay nagpaabot na ng relief assistance sa mga naapektuhang pamilya. Jocelyn Tabangcura-Domenden

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply