37 OFW mula Lebanon balik-Pinas na

NAKABALIK na bansa na ang may 37 overseas Filipino workers (OFWs) na nanunuluyan sa resource center na pinangangasiwaan ng Philippine Overseas Labor Office (POLO) sa Beirut, Lebanon, iniulat ngayon.

Dakong alas-3:30 ng hapon nang lumapag sa Ninoy Aquino International Airport (NIAI) ang Qatar Airways flight QR646 sakay ang mga OFW kung saan isa rito ay nabilanggo sa Lebanese Immigration Retention Center sa Adlieh, Beirut.

Ayon kay Raul Hernandez, tagapagsalita ng Department of Foreign Affairs (DFA) nanggaling mula sa pambansang pondo ang ginastos sa pagbili ng plane tickets ng lahat ng mga nakauwing OFW na pawang nagtatrabaho bilang mga domestic workers.

Lima sa kanila ang mayroong kumpletong dokumento matapos magawang makalipad patungong Lebanon bago pa man ibaba ang deployment ban noong taong 2007.

Sinabi ni Hernandez na karamihan sa mga umuwing OFW ay pawang mga tumakas sa kanilang mga employer sanhi ng iba’t ibang mabibigat na kadahilanan tulad ng kawalan o kakulangan ng sahod, pagmamaltrato, panlalait, labis na oras sa pagtatrabaho, kakulangan sa pagkain, puwersahang pagpapalawig sa nilagdaang kontrata at biktima ng pangmomolestiya.

Dahil dito, muling inulit ng mga opisyal ng Department of Foreign Affairs (DFA) sa mga nagnanais na magtrabaho sa ibang bansa na irespeto ang ipinaiiral na deployment ban sa bansang Lebanon at iwasan ang pakikipagtransaksiyon sa mga illegal recruiter.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply