4 carnappers tiklo sa Surigao

HULI ang apat na carnappers makaraang tangayin ang isang Starex Van sa Hinatuan, Surigao del Sur.

Nakilala ang mga carnapper na sina Joel Consegra, Reymund Consegra, Freddie Gandinon at Charlie Cabusas, pawang mga residente ng nasabing lalawigan.

Nabatid sa Hinatuan Municipal Police Station na inalerto sila ng Lingig Municipal Police Station sa pangkakarnap ng apat na binatilyo sa Starex Van (KFH 832) sa Brgy. Manlud, Lingig na patungo na sa bayan ng Hinatuan.

Bunsod nito, agarang naglunsad ng checkpoint ang mga awtoridad sa Hinatuan PNP at mga Civilian Auxiliary Army (CAA) sa mga pangunahing kalsada.

Nabatid pa na armado ng de kalibreng baril ang mga suspek bagama’t hindi ito nagamit nang tinutukan sila ng mga issued garrand rifles ng mga SCAA.

Sa kasalukuyan ay nasa pangangalaga na ng pulisya ng Hinatuan ang mga suspek.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply