4 pulis na sangkot sa droga dinisarmahan

APAT na kapulisan sa Region 11 ang dinisarmahan dahil sa paggamit umano sa bawal na gamot.

Kasong administratibo o posibleng pagkatanggal sa serbisyo ang magiging parusa sa apat na pulis sakaling makumpirma ito ng Philippine Drug Enforcement Agency.

Ayon sa spokesman ng PNP Region 11 na si Supt. Jose Carumba, hindi muna nila ilalabas ang mga pangalan ng pulis na nasasangkot kung saan kailangan umanong makasuhan muna ang mga ito.

Pansamantalang inilipat ang mga ito sa Regional Personnel Holding and Accounting Unit ng PNP Region 11. Tuloy pa rin umano ang sahod ng mga pulis na ito kaya lang ay hindi na ito makakasama sa mga magpapatrolya, dagdag pa ni Carumba.

Ang mga pulis na gumagamit ng droga ay dalawa umano sa San Pedro Police Station, isa sa Paquibato Police station at isa Davao City Police Office.

Samantala, nabigla si Davao City Police Chief S/Supt. Rene Aspera sa pagkakasangkot ng kanyang kapulisan at sinabing nitong inaantay nalang nila ang kumpirmasyon mula sa PDEA.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply