4 na ang patay sa tipos sa Leyte

APAT na ang patay dahil sa sakit ng tipos o typoid fever sa lalalwigan ng Leyte.

Sa report, sinabi ni Dra. Eliza Nedruda ng Carigara Emergency Hospital na isang 30-anyos na lalaki ang panibagong biktima ng naturang sakit.

Ayon kay Nedruda, dalawang magkasunod na bata na ang nakitaan ng sintomas ng typhoid fever ang namatay habang ginagamot sa nasabing pagamutan.

Ang dalawa naman ay binawian ng buhay sa kanilang bahay kung saan nakitaan din umano ng sintomas ng typhoid fever.

Dahil dito, nababahala na ang Department of Health (DOH) sa sunud-sunod na biktima ng naturang sakit sa kung saan napaulat na apat na bayan sa lalawigan ang may typhoid fever outbreak.

Sa ngayon ay hindi pa rin nakukumpirma ng local health officials kung typhoid fever nga ikinamatay ng mga biktima dahil hindi pa lumalabas ang resulta ng lab test sa isinagawang water sample ng Carigara Metropolitan Water District na siyang pinaghihinalaang pinagmulan ng outbreak.

Ilan sa mga sintomas ng typhoid fever ay ang mataas na lagnat, pananakit ng tiyan, pagtatae at panghihina ng pasyente na sanhi ng salmonella typhi bacteria.

Nabatid na tinatayang aabot na sa halos 400 katao ang nagkakasakit sa ilang bayan sa lalawigan ng Leyte. Jocelyn Tabangcura-Domenden`

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply