4 na flights kinansela dahil sa sama ng panahon

KINANSELA ngayong araw ng Cebu Pacific ang 4 na flights dahil na sa sama ng panahon.

Ayon sa advisory ng Cebu Pacific sa kanilang Twitter account, ang mga kinanselang flights ay ang 5J-877 at 878 na may biyaheng Cebu to Surigao at 5J-785 at 786 na may biyaheng Manila hanggang Butuan.

Ang mga apektadong pasahero ay ia-acommodate naman sa mga susunod na available flights .

Maaari ring i-rebook sa loob ng 30 araw ang cancellation o travel fund na walang penalties.

“You may also rebook within 30 days of cancellation or Travel Fund without penalties,” tweet ng airlines.

“We always place top priority in your safety; thank you for your understanding.”

Bago ito, inihayag ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration ang namumuong low pressure area (LPA) malapit sa Surigao.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply