4 na sundalo sugatan sa landmine

APAT na kagawad ng Philippine Army ang malubhang nasugatan nang masabugan ng landmine na itinanim ng mga hinihinalang New People’s Army sa Compostella Valley Province.

Ayon sa initial report na ibinahagi ng AFP Eastern Mindanao Command, naganap ang pagsabog kaninang alas-2:35 ng madaling-araw sa Sitio Kalinugan, Casooon, Mongkayo CVP.

Nabatid na nagsasagawa ng routine combat patrol operation ang tropa ng 25 Infantry Battalion Philippine Army nang isagawa ng isang pulutong ng lawless NPAs ang pagpapasabog sa itinanim nilang landmine.

Kahit mga sugatan ay pinilit na lumaban ng mga sundalo kaya nagkaroon ng ilang minutong bakbakan bago tumakas ang mga rebelde nang maramdaman na ang presensiya ng paparating na reinforcement.

Isang hot pursuit operation ang ikinasa ng military laban sa mga tumatakas na NPA. Verlin Ruiz

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply