4 notorious drug personalities natimbog

NATIMBOG ng awtoridad ang apat na notorious drug personalities sa isinagawang magkakasunod na tatlong anti-drug operation sa La Union at Pangasinan.

Kinilala ni Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Director General Undersecretary Jose S. Gutierrez Jr. ang mga suspek na sina Salvador Dacanay alyas “Badz,” at ang mag-asawang Roger at Norma Locquiao kasama ang kanilang anak na si Rodel.

Si Dacanay ang nangunguna sa Top Priority Target ng PDEA sa buong rehiyon bunsod ng mga kinsasangkutan nitong kaso ng droga at siyang pinaniniwalaang pangunahing tulak ng shabu sa Tubao, La Union.

Katulong naman ng PDEA RO-1 Special Enforcement Team (PANGSET) ang Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) Urdaneta at Urdaneta City Police sa pagkakaaresto kay Rodel Locquiao na naging daan upang maaresto rin ang mga magulang nito na nakuhanan ng 10 plastic sachet ng shabu.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply