4 paslit nalason sa mantika ng baboy: 1 patay, 3 grabe

NASAWI ang 3-anyos habang tatlo sa magkakapatid ang naka-confine ngayon sa ospital makaraang malison umano sa inulam na mantika ng baboy sa Brgy. Oquendo, Balete, Aklan, kagabi, Nobyembre 23.

Idineklarang patay na ngayong umaga ang isa sa mga apat na magkakapatid na isinugod kagabi sa ospital na nakilalang si Daryll Zonio.

Sinasabing dakong alas-6:00 kagabi nang maghapunan ang magkakapatid ngunit makalipas ang dalawang oras ay nakaramdam sila ng pananakit ng tiyan, pagsusuka, pagkahilo at pagtatae.

Sa kasalukuyan pa ring inoobserbahan sa Aklan Provincial Hospital ang tatlong magkakapatid habang patuloy ang pag-iimbestiga sa nasabing pagkalason.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply