4 senglot niratrat sa QC patay, 2 pa sugatan

PATAY ang apat katao, habang dalawang iba pa ang nasugatan makaraang pagbabarilin ng tatlong hindi pa nakikilalang salarin habang nag-i-inuman sa Quezon City kagabi.

Namatay habang isinusugod sa Malvar General hospital ang mga biktimang sina Liberato Fermejo Paez, 50, presidente ng Homeowners Association sa Commonwealth GPTA sa Commonwealth Elementary School at residente ng 569 Kaibigan Sr., Bgy. Batasan Hills, QC; Herminio Manansala, 44, ng TF Commonwealth, Kaibigan St. QC; Roger Agustin, 45, miyembro ng BPSO sa lugar at Roel de Ocampo, 35 ng NO. 13 kaibigan  St., Bgy. Batasan Hills, QC sanhi ng tinamong maraming tama ng bala sa katawan.

Kritikal naman sa Malvar hospital sina Zaldy Ballesteros, 42 at Armando Garcia, 49, ng nasabi ring lugar na inoobserbahan pa rin sa East Avenue Medical Center bunga ng tinamong tama ng bala sa katawan.

Nakuha ng SOCO team sa lugar ang may 30 basyo ng bala.

Sa inisyal na ulat ni SPO1 Rolando Lopez ng Quezon City Police District Batasan Hills Police Station 6, naganap ang insidente ng pamamaril dakong 9:25 ng gabi sa isang resto bar sa Kalayaan B, Brgy. Batasan hills, QC.

Ayon sa ulat, ilan ang nakakita ba galing sa gawing likuran ng mga biktima ang tatlong armadong lalaki kung saan ang isa sa mga ito na armado ng automatic Uzi ang rumatrat sa mga biktima habang nagsilbing alalay ang dalawang iba pa.

Nabatid sa impormasyon na ang talagang pakay ng mga salarin ay ang biktimang si Paez lamang dahil sa isyu ng palupa sa lugar at nadamay lamang ang ilan niyang kainuman.

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply