4-taon kulong sa doktor ni Michael Jackson

MAKUKULONG ng apat na taon ang doktor ni Michael Jackson matapos na hatulang guilty ng korte kaugnay sa pagkamatay ng King of Pop.

Kinasuhan ang kontrobersyal na doktor na si Conrad Murray ng manslaughter dahil sa pagkamatay ng King of Pop matapos ang 23-araw na marathon hearing.

Gulity ang desisyon ng jury sa Los Angeles na binubuo ng 12 mahistrado dahil sa pagkamatay ni Jackson.

Hindi naman kinakitaan ng anumang emosyon si Murray habang binabasahan ng hatol.

Hindi rin ito kumibo habang pinoposasan upang ihatid sa kanyang magiging tahanan sa loob ng apat na taon.

Walang inirekomendang piyansa ang korte para sa doktor.

Namatay si Jackson noong Hunyo 25, 2009 dahil sa overdose ng anaesthetic drug na propofol.

Unang pinagbintangan si Murray na siyang may kagagawan ng krimen, ngunit ikinatwiran nitong si Jackson mismo ang nag-iniksyon sa kanyang sarili ng nasabing gamot.

Hindi pinanigan ng korte ang depensa, dahil bilang doktor umano ni Jackson ay hindi niya dapat na ipinagkakatiwala ang ganoon karaming anaesthetic drug sa isang hindi lisensyadong doktor.

Nagbunyi naman ang mga fans ni Jackson na nasa labas ng korte nang malaman ang hatol ng hukuman.

Kahit ang mga dumadaang sasakyan ay nag-ingay rin at bumusina kasabay ng pagbaba ng hatol.

Bukod sa pagkakulong ng apat na taon ng walang piyansa, tatanggalan din ng lisensiya si Murray bilang doktor.

Umaabot sa 49 na testigo ang ipinirisinta ng prosekusyon at depensa na kinabibilangan ng mga eksperto, kasambahay ni Jackson at dating mga kasintahan ni Murray.

Naging matiyaga ang pamilya ng King of Pop na araw-araw na dumalo sa marathon hearing.

Ang buong kuwento ng pagkamatay ni Jackson ay naging malinaw sa ginanap na pagdinig.

Ipinakita rin ng korte ang patay na katawan ni Jackson sa nangyaring trial at ang ilang audio recordings ng King of Pop.

Idiniin ng prosekusyon si Murray na nagpabaya sa pagbigay ng propofol kay Jackson.

Ang propofol ang paraan ni Jackson upang labanan ang matinding insomnia sa gitna ng paghahanda ng singer noon sa kaniyang comeback concert na “This Is It.”

Umabot sa anim na linggo ang puspusang rehearsal ni Jackson noon, at gabi-gabi siyang binibigyan ni Murray ng propofol, batay sa statement ng doktor.

Gayunman, naghinala umano si Dr. Murray na naging adik na ang King of Pop sa propofol.

Noong gabi bago namatay si Jackson, binigyan umano ito ni Murray ng lorazepam at midazolam.

Uminom din umano ang singer ng Valium pill pero walang nagawa para ito’y makatulog.

Noong huli, inamin ni Murray sa pulisya na binigyan niya ito ng propofol pero sinabing 25 milligrams lang.

Iniwan daw niya ito ng ilang minuto at pagbalik niya ay hindi na humihinga si Jackson.

Sa trial, inilarawan ng mga kasambahay ng singer si Murray na nag-panic, hindi agad tumawag sa emergency services at binigyan ng CPR ang pop star sa kama nito.

Ayon sa security guard, itinago muna ni Murray ang mga bote ng gamot at IV equipment bago siya sinabihan na tumawag sa emergency services.

Ayon sa prosekusyon, distracted si Murray habang natutulog si Jackson.

Patunay dito ang ilang mga tawag na ginawa ni Murray habang natutulog ang kaniyang pasyente.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply