40 baboy, sabay-sabay kinatay sa ‘Adivay Festival’

AABOT sa mahigit 40 baboy ang sabay-sabay na kinatay sa pagpapatuloy ng “Adivay Festival” sa Benguet, Baguio City kasabay ng selebrasyon ng ika-111 founding anniversary ng naturang lalawigan.

Ayon kay Benguet Gov. Nestor Fongwanm, ito ang isa sa mga pinakatampok sa nasabing festival kasunod ng engrandeng parada na isinagawa sa Awangal, La Trinidad, Benguet.

Libo-libong katao naman ang nakibahagi at nakisaya sa nasabing ‘grand canao’ mula sa iba’t ibang bahagi ng rehiyon ng Cordillera.

Bawat isa sa 13 munisipyo ng Benguet ay nagkatay ng tatlong baby maliban lamang sa mga donasyon na ng mga taga-lalawigan.

Ang “Adivay Festival” ay hango sa salita ng mga tribong Ibaloi sa Cordillera na ang ibig sabihin ay pagpupulong para magdiwang.

Dito ipinakikita ng mga taga-Benguet ang kanilang mayaman na kultura at ipinagmamalaking mga produkto.

Layunin din nito na maisulong ang turismo sa tinaguriang vegetable bowl of the Philippines.

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply