40 GRO arestado sa Naga City

KASABAY ng isinasagawang 22nd Ad Congress sa lalawigan ng Camarines Sur, nagsagawa ang pulisya ng raid kagabi sa iba’t ibang establisimiyento na hinihinalang nagbibigay sa kanilang mga customer ng panandaliang aliw kung nalambat nito ang umaabot sa 40 na guest relation officers.

Ayon kay Insp. Nanny Alcantara ng Naga City PNP, ginawa nila ang naturang raid dahil sa mga reklamong natatanggap na dumarami ang mga GRO sa naturang siyudad dahil sa ginagawang Ad Congress.

Kaakibat umano ng naturang raid ay ang mas lalong pinaganda ang peace and order ng siyudad at itaas ang kalidad nito sa mga turista at mga participants sa Ad Congress.

Samantala, siksikan ang mga nahuling GRO dahil pinagkasya lamang sila sa isang piitan.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply