5 buwan na fetus, itinapon sa sapa

DAHIL sa sobrang baho kaya natunton ang limang buwang fetus na itinapon ng kanyang ina matapos ipalaglag sa isang sapa sa La Union sa ulat ng pulisya kanina.

Sa ulat na nakarating sa Camp Crame, ang nasabing fetus ay natunton ng mga residente sa sapa ng Barangay Natividad, Naguillan, ng nabanggit na lalawigan matapos ituro ng masangsang na amoy.

Inihayag pa ng Naguillan PNP na bago nadiskubre ang fetus, nakaamoy ng masangsang na amoy ang mga naninirahan sa nasabing lugar.

Sa kanilang paghahanap, tumambad sa kanila ang naaagnas nang limang buwang fetus sa sapa kaya agad nilang ipinagbigay alam sa awtoridad.

Sa ngayon ay nagsasagawa ng imbestigasyon ang pulisya upang matukoy ang ina na nagpalaglag at nagtapon sa fetus.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply