5 Filipino-Muslim kritikal sa tumaob na bus sa Saudi Arabia

KRITIKAL ang limang Filipino-Muslim nang tumaob ang sinasakyan nilang bus habang patungo sa banal na lugar sa Mt. Arafat  upang dumalo sa isang Hajj ritual noong Sabado (Nobyembre 5) sa Saudi Arabia.

Kinumpirma ng Department of Foreign Affairs ngayon, na nasa kritikal na kondisyon ang limang Filipino-Muslim at tatlo rito ang nasa Intensive Care Unit (ICU) at isa ang isinailalim sa operasyon sa pinagdalhan sa kanilang ospital.

Ang mga Pinoy, kasama ang 60 iba pa ay sakay ng 45-seater bus nang mawalan ng kontrol sa manibela ang dayuhang tsuper matapos magtangkang lampasan ang isa pang sasakyan sa Jeddah na nagresulta sa pagtaob ng sasakyan.

Nasawi kaagad sa naturang aksidente ang tsuper at ang kanyang dayuhan ding assistant, batay sa natanggap na impormasyon ng DFA.

Sinabi naman ni DFA Spokesperson Raul Hernandez na inaasikaso na ng mga opisyal ng embahada ng Pilipinas sa Saudi Arabia ang mga nasugatang Pinoy.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply