5 miyembro ng ‘budol-budol’ arestado

ARESTADO ang limang miyembro ng “budol-budol” gang kabilang ang nagpakilalang “prinsesa” ng bansang Switzerland sa isinagawang entrapment operation ng Manila City Hall Public Assistance sa Ermita Maynila.

Ang pagkakaaresto ng mga suspek ay bunsod na rin ng reklamo ng isang doctor of medicine na humiling na itago ang kaniyang pangalan at Barangay Chairman Bong Reyes, ng Barangay 491, Zone 48, Sampaloc, Maynila na nagduda  sa ginawang panloloko ng mahigit kumulang sa P.3 milyon sa kaniyang amang anesthesiologist nitong nakalipas na Miyerkules sa Ermita, Maynila.

Pinipigil ngayon sa CHAPA office ang mga suspek na kinilala ni C/Insp Marcelo Reyes, hepe ng CHAPA, na sina Quesa Fleton, na sina alyas Quessean Sharu Vontabel, ang nagpakilalang “Princess of Switzerland,” 65, at apat na ipinakilalang mga alalay (servants) na sina Lucina Cabarlo, 54, Maricar Midang,  31, Isidro Midang, 37, at Sheryll Alcantara, 30, pawang residente ng No. 129 Premium Extension, GSIS Project 8, Quezon City.

Isinailalim na sa inquest proceedings sa Manila Prosecutor’s Office sa kasong syndicated swindling/estafa ang mga suspek habang inihahahanda pa ang mas mabibigat na kaso na may kaugnayan sa pamemeke ng mga dokumento tulad ng VISA at bank documents.

Ayon kina SPO3 Jun Jareno at PO3 Henry Navarro, may hawak ng kaso, na sa paglantad  ng mga pangalan ng limang suspek ay posibleng marami pang magrereklamo laban sa mga ito .

Nabatid na Quesa ay nagpakilalang “prinsesa” ng bansang Switrzerland kung saan ipinakilala naman nitong alalay ang apat pang naaresto.

Sa isinagawang entrapment sa Starbucks Café sa ground floor ng Robinson Place, Ermita, Maynila nadakma ng awtoridad ang mga suspek habang hawak ang marked-money na nagkakahalaga ng P20,000 at US $300 na hiningi sa complainant.

Ayon sa doctor nakilala ng kanyang ama ang nasabing “prinsesa” umano ng Switzerland hanggang sa mapadalas na ang pagbisita nito sa bahay nila sa Las Pinas kasama ang apat na umano’y alalay nito.

Nadiskubre niya na natangayan na ang ama ng halagang humigit-kumulang P.3 milyon nang mangako ang “prinsesa” na ipatatago ang milyong dolyar ng gold bars na ipadadala sa Pilipinas  at bibigyan din ito ng Lamborghini sports car.

Nang matanggap na ang official receipt umano mula sa HSBC para i-claim ang milyong remittance ay nakitang iba ang spelling ng apelyido kaya kinumbinse sila na ipalakad ang VISA upang doon sa Switzerland i-correct ang dokumento.

Sanhi nito, nagkunwari ang doktor na sasamahan niya ang ama at nagpanggap din si Chairman Reyes na kasama din siya na magpapakuha ng VISA upang samahan ang mag-amang doktor.

Sa puntong ibinigay ang marked-money ay dinakip ng mga tauhan ng CHAPA ang limang suspect na ipinasuri at positibo sa Ultraviolet powder ang ga kamay. Jocelyn Tabangcura-Domenden

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply