5 todas sa masaker sa Sultan Kudarat

UTAS ang limang miyembro ng pamilya sa masaker sa Sitio Bagang-Bagang Barangay Midtungok, Senator Ninoy Aquino, Sultan Kudarat.

Kinilala ang mga biktima na sina Julie Segura, Josephine Segura, Jonathan Segura, Jerson Segura, at Benjie Pelitro.

Lumalabas na robbery hold-up ang motibo ng mga suspek sa masaker dahil sa loob mismo ng bahay ninakaw ang dalawang chainsaw, P40,000 halaga ng pera at nilimas ng mga suspek ang mga paninda sa tindahan ng mga biktima.

Ayon kay Insp. Salazar, narekober sa crime scene ang 16 na empty shells ng garand rifle at 46 empty shell ng armalite rifle.

Sa imbestigasyon ng awtoridad, nakasuot umano ng bonnet ang mga suspek nang pinaulanan ng bala ang pamilya Segura.

Lumalabas din sa imbestigasyon na close range o malapitan ang pamamaril ng mga suspek dahil pinadapa pa diumano bago pa man binaril ang mga biktima.

Sa ngayon nagsasagawa ng malalimang imbestigasyon ang mga otoridad upang matukoy at madakip ang mga suspek.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply